Rainy season na dito sa pinas...grabe kasi 2 bagyo ang dumating kaya dito lang sa loob ng bahay nakatambay.... walang magawa, kaya naisipan kong gumawa ng blogs....Upon doing this, naalala ko nung isang linggo....cancelled lahat ng pasok mula college hanggang elementary,,
pagkagaling ko sa computer shop dahil nakipag chat ako sa isa kong best fren..at nag update ng profile sa net....
pagkauwi ko.... lumakas ang ulan,,kaya naisipan kong maligo sa ulan.niyaya ko ang 3 year old kong baby na si yara, at 2 kong pamangkin. tuwang tuwa sila, walang mapaglagyan ng kasiyahan.Sinamantala namin habang wala ang strict at pakaalamero and lovable kong papa..hehehe
Ung isa kong pamangkin, si bekbek. 1 yr old lang sya,,sobrang naamaze sya, tinitignan ko ung reaction nya,, ung mukha nya at kung pano sya mag rereact sa ulan.... Nagtataka sya kung san galing ung ulan, tuloy tuloy kasi ung buhos ng ulan.sigaw sila ng sigaw,,,mga ignorante....hahaha
Ung anak ko naman, takbo ng takbo pati si bokbok (2yrs) sya ang kuya ni bekbek... Samantalang ako biglang napaisip????? naalala ko nung kabataan ko...ang dami kong naalala habang umuulan,,,habang busy ang mga tropa ko sa pagligo ng ulan....
Naalala ko sa tuwing uulan ng malakas nung bata pa ako,,masaya ang lahat lalo na kami dahil walang pasok,hapi ako kasi hindi ko makikita ung terror kong teacher...hahaha..at hindi ko kylangang gumwa ng assignment....
Isa pang ikinasasaya ko ay makakasilay ako sa mga crushes kong naliligo din sa ulan....hahaha
makakapaglibot sa mga street na hindi ko nappuntahan dahil nga strict si papa...hahaha
itutuloy ko bukas....i need to go.....
Chatboard (1)